Good Morning mga day!
It's 1:33am na here sa US pero gising pa ang beauty ko! Why? Jet Lag ito mga day at kakauwi ko lang galing trabaho mula sa Sweden so todo to the max blog para me mabasa naman kayong magandang artikulo hindi puro Xerex na lang kayo! hahahaha
Anyway day, so arrive ako from Sweden. So since out of the country ang mudra nyo for a week. May I payag ako na yung friend ko muna ang maging care taker ng kotseng kuba ko. Mega hatid ako sa airport and kanina nga eh mega sundo nya din akech with matching 1 foot of red carpet pa!
My friend is a pretty girl, of course mana sa aken eh. She is pretty smart too for a blonde girl (hahahaha). However mga day, eh and friend kong ito na itatago na lang naten sa pangalang DINA LEE GO eh may Halitosis o oral malodor o sa tagalog eh mabaho ang hininga!
At alam ko na na-experience o kaya eh nai-experience nyo ang mga taong ganito! Kaya join forces tayo mga kapatid sa pagsugpo ng baho hininga gang! Are you with me? Let's VOLT IN!!! YES!
So si Dina Lee Go picked me up at the airport. I was very tired from my flight and didn't get much sleep sa airplane. And the last thing I needed that time was some breath of a fresh imburnal! Josko day, ito pang si Dina eh mahilig mang beso at she talks really close to me kulang na lang mag kapalit ang fes namen! So in short mga kapanalig eh sagap ko lahat ang simoy ng hangin na lumalabas sa kanyang bibig!
Ituloy naten ang kwento, so nasa car na kame. Yes! It's my chance na para di na sya maging close sa mukha ko pero mali ako mga day! Tuloy ang ratsada ng bibig ng loka loka! And of course ang kotse ay sarado ang mga windows dahil -12 degress Celcius lang naman ang temp. Pero mga day, dahil di ko kinaya ang amoy sa car binuksan ko ang window at pretend ako na naiinitan and she started closing it kc daw nilalamig sya. She closed the window, I opened it again, she closed it, I opened it, she closed it, I opened...
Finally after 35 minutes of excruciating pain (hahahaha), we have arrived! Ngunit subalit datapwat mga day, hindi dito natatapos ang kalbaryo ko with DINA. She volunteered and picked up my luggage sa trunk and started walking towards the elevator sa building ko. Sumama pa sa apartment ko ang lintsak. Korek, nasa elevator kameng dalawa and mega chika pa den ang bruha. Imagine yun???
So may I insert ako ng card key ko! Mga day, the moment na nag-click yung door ko, mega run ang lola nyo sa bathroom ko na parang hinahabol ng sampung Pitbull at mega throw up!!!! Sunod si DINA at mega knock sya sa door ng bathroom saying: "Hey, are you ok?" I said: "Yes, I'm alright!!! I just need to throw up and breath!" Dina: "Do you want me to help you in there?" Me: "NO!!!! Thank You!" Dina: "Are you sure?" Me: "Shut up, I'm ok!"
Then I took my sweet sweet time sa bathroom! I stayed there for almost an hour. Hanggang nainip na si DINA at sumigaw na lang ng: "Hey I'm going now, I left your car key in your dining table...."
So in short mga day, hindi ko nasabi kay DINA na amoy imburnal ang bibig nya! At wag nyo akong husgahan! Mabuti akong kaibigan! Kaya lang mga day sana maintindihan nyo na ako ay nasa mahirap na kalalagayan. Sige nga, paano mo sasabihin sa kebigan mo na mabaho hininga nya without making it awkward???Aber? Aber? O dibah mahirap??? Iisipin mo tuloy, abutan ko kaya sya ng mouthwash, o kaya ng sipliyo, o kaya ng clorox, o di kaya ng tawas, pwede din kaya ang nganga ng matatanda???
Sa ngayon, ito lang ang masasabi ko. Inaantok na ako! Charos! Sa tingin ko, walang matatawag na pinaka polite at mabuting paraan para sabihin sa isang kaibigan na ang hininga nila ay kasing amoy ng basura sa Payatas dump site! Pinakamadaling paraan ay: bring fresh gum and mints and right away offer your friend some. Pag ayaw nya, pilitin nyong isaksak sa bibig nya! Leche sya! Sya na nga itong pinapabango ang breath eh!
Pero kung may alam kayo na paraan eh pucha, i-share nyo naman sa aken!
O sya mga day, inaantot na ako....
Hugs,
Morrise
Saturday, February 16, 2008
How do you to tell a friend that he or she has Halitosis???
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments, CLICK TO POST COMMENT:
HAHAHA!!! I love your story and the words that you used! Nanakawin ko sila ever kapanalig! hahaha! I love the story! I wonder who she is?
Sinabi ko yan sa blog ko na ginaya ko ki Nicole: Bago lumabas nang bahay magdasal para mabuhay kayo, at manipilyo nang todo para mabuhay ang katabi nyo! O di ba? SWAK NA SWAK! hahaha
WAIT! hmm... you're not referring to me, are you?!
HAHAHAHA
omg! that was brutally hilarious! hahaha!
hmmm.. maybe you can verify first if its not caused by a serious medical condition...
1. have her tag along on your next dentist appointment
2. or check your breath in front of her after exclaiming "i smell something foul" and hope that she does the same (then pray na marealize nyang sya ang may sala!
3. wear a face mask and tell her you heard there's been a new outbreak of SARS.
4. bring air freshener and spray everywhere you go.
if all else fails, at least you know what to give her for her birthday, lent, edsa anniversary, bahala ka na magimbento ng holiday! hehe.
Post a Comment