Friday, February 15, 2008

Valentine's Day Break-Ups

Salut Folks!

Oh ano na? Tapos na ang V Day? Ano naman napala nyo? Naregaluhan ba kayo ng diamonds are forever, ng flowers na kalachuchi, ng tsokaleteng Chocnut (in fairness masarap to!) o di kaya ng Kiss man lang? Oh well good for you my friend! Ako? May na receive din ako, pero di ko sasabihin. Pero pag pinilit ako pwede na din...hahahaha

Anyway my friends, today we will talk about Valentine Break Ups. Hay naku day! Talamak pala itong kaganapan na itech! Di ako aware before ngunit subalit datapwat! Nalaman ko ito sa mga kebigan kong chismosa na kagaya ko at syempre kagaya nyo din! ;-)

Sa mga mahilig sa Romansa (parang ang sagwa pakinggan - romance na lang!), ito ang pinaka-iiwasan nilang mangyari! Lintsakin mo ba naman makipaghiwalay sa yo ang churva of your life sa mismong araw ng mga PUSOn este PUSO! Eh di wasak lahat ng mawawasak sa yo lalo na ang hearty mo! And then you'll start saying these lines na josko day, maloloka ang mga script writers ng pelikulang Pilipino! Example:

1. "Ibinigay ko ang buong puso at kaluluwa ko sa yo...." (puso't kaluluwa nga lang ba???)
2. "Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka sa piling ko..." (arte mo! tampalin kita jan eh!)
3. "Anong meron sya na wala ako..." (aba day! break na nga nagtanong ka pa!)
4. "Ikaw ang lahat sa akin..." (teleserye itech day, kaya wag ka manggaya!)
5. "Pinulot ka lang sa putik..." (mataray ang lola mo, palaban! type ko!)
6. "Sige! Mamili ka! Sya o ako..." (Patay ka day pag hindi ikaw ang pinili, kakahiya ka!)
7. "Sinaktan mo ang puso ko..." (alam ko kasunod nyan day.."Sinaksak mo ng kutsilyo... bwahaahahaha!")
8. "Para kang carenderia, bukas para sa lahat!..." (type ko to, jokjok pala!)
9. "Akala mo lang wala pero MERON MERON..." (merong ano? aba day wag ka parang adik paulit ulit ka, leche ka!)
10. "Sabi mo ako lang ang mahal mo pero bakit dalawa kame???" (sinungaling pala yang mokong na yan eh, hala putulin na ang ari nyang lintsak na yan!)

And so many other lines pa mga day! Pero isa lang masasabi ko day! Aba, MOVE ON!!! Pag sinabi sa inyo ng jowa nyo na break na tayo ang pinaka maganda jan eh ganito ano - follow the 7 easy steps formulated by yours truly:
Step1. Smile
Step2. Say: "Thanks for the good memories!"
Step3. Hug him/her
Step4. Smile again
Step5. Walk away swinging your hips
Step6. Then look back
Step7. At a distance give the mothafocka the DIRTY FINGER and MOVE ON!

Tapos para move on faster kayo day, eto ang mga dapat nyo isipin:
1. "Mas maganda ako sa kanya..." (kahit hindi totoo, pwede na yan day!)
2. "Ang panget ng buhok nya, puro split ends!" (kahit parang pubic hair yung sa yo!)
3. "Mas kaunti ang peklat ko sa legs, bentsingko lang ang sa aken sa kanya piso!" (need I say more???)
4. "Mas matalino ako sa kanya, 8 years ako sa college sya 9 years!" (grabe SUMA... sumasampung taon ang lola!)
5. "Bad breath sya, ako halitosis lang! (Josko, 8 years nga sa college ang lola mo!)

At marami pang bagay na nagsisimula sa MAS!

In short guys, learn to appreciate and love yourself more. Most specially after a break up!

At ito ang pinaka importante sa lahat mga day after a break up: ALWAYS LOOK YOUR BEST kahit san kayo pumunta - whether bibili lang kayo ng suka sa kanto o pupunta sa mall! Who knows baka makasalubong mo ang tatawagin na nating EX! Para ang masasabi na lang nya: "Damn! Bakit ko say hiniwalayan!" Instead of: "Damn! Buti na lang hiniwalayan ko sya!" Tigbak ka day!

So sa mga single na ulit after VD, okay lang yan. Start banging some other people na agad! Charos lang! This is the perfect time to love and appreciate yourself more than before!

Hugs,
Morrise

2 comments, CLICK TO POST COMMENT:

Anonymous said...

M, di ako maka-relate!! hindi kase ako yung bine-break, ako yung nakikipag-break.☺ *hirap magtagalog*

Lastly ang masasabi ko lang sa mga naging ex ko; tama na nag-move on kayo, sana lang wag nyo sineseryoso ang kanta ni Andrew E. (humanap ka ng panget)... pag kase nakikita ko mga gf nyo ngayon di ko maiwasang isipin na naghiwalay lang tayo eh nagpaka-loser na kayo.

bwahahaha!

xx said...

L.C.

hahahaha, humanap talaga ng panget ang drama ng mga lolo! kaloka! ni-literal!

yan ang epekto ng beautiness mo sa mga Exes mo! Inferior na tuloy tingin nila sa sarili nila, so mega hanap sila ng more inferior sa kanila hahahaha...