Hello mga day!
Kumusta na kayo? Namiss nyo ko? Sensya na kc long weekend dito sa merika dahil Araw ng Pangulo nila. So rest to the max si Morrise at mega lamyerda. Anyway, it's Tuesday indeed! So here's my TWM entry for today: When to say "I LOVE YOU, Wo ie Ni, Mahal Kita, Je t'aime, Te amo, Kimi o ai shiteru at kung ano ano pang mga lenguahe na alam nyo"
Madalas nyo ba sabihin ang L word (hmmm hindi Libido)??? Mini-mean nyo ba itech mga kapanalig? Na-ask nyo na ba ang self nyo (I feel like Kris Aquino here) kung dapat nyo na ba sabihin ang mga salitang ites??? Kung hindi pa, eh aba tigilan nyo na ang pag sasabi nyan at baka kayo eh mapikot!!! Charos lang! Pero mga day, dapat sa buhay buhay naten eh alam natin kung kailan sasabihin ang mga salitang "I LOVE YOU..."
Para sa mga nagliligawan... (lalong lalo na sa kalye! charing lang)
Maybe I'm not in the position para bigyan kayo ng mga payo tungkol sa ligawan mga kapanalig. Dahil sa maraming kadahilanan na ren na hindi ko na sasabihin! Magtiis kayo! hahahaha. Anyway, kung ang ligawan na pinag-uusapan natin ay ang ligawan like you know, getting-to-know each other, lunch dates, merienda dates, dinner dates at isama mo na midnight snack dates eh matutulungan ko kayo jan! O sige mga day, given the fact na kayo ay dating one month, two months, three months, 50 years! Kelan ba dapat mag I LOVE YOU? Ang sagot ay simple lamang: Aba, kayo ang nakaka-alam nyan! Ako ba ang nakikipag-date mga day??? Ngunit subalit datapwat!!! May ilang mga puntos na dapat nyong tanungin sa sarili nyo bago isuko ang PUSOn este PUSO!
Pencil and Papers ready?
1. Alam nyo na ba ang buong pangalan ng sasabihan nyo ng L word??? Kasama ang 2nd name, middle name at mga suffixes na naka-attach sa pangalan nya like, the 3rd, the 4th, the 20th, Jr, Sr. ba sya??? (Aba day, baka mamaya kapatid pala ito ni Osama eh, mag-isip ka!)
2. Alam mo ba ang bertdey ng future sakit ng ulo mo este future bf/gf? Hoy! Importante ito! Why? Dahil kailangan nyo i-consult kay madam Auring ang compatibility ng Astrological signs nyo! Charos! Pero wag ka, meron ako kilala na kailangan daw ang maging bf nya -Sagitarrian! Seriously, dapat naman siguro alamin nyo kung kelan ipinanganak ang magiging syuta nyo!Ng sa ganun naman eh ma-estimate nyo kung hanggang kelan sya mabubuhay kung sakaling magkatuluyan kyo ano! Baka mamaya day, 4 years na lang eh mag gu-goodbye Philippines na ang bf/gf nyo!
3. Alam mo na ba ang payborit kulay nya? Well not really his/her favorite color in particular but things that he/she likes! Day ang operative word dito ay COMPATIBILITY! Meron ba kayong commonalities in terms of what you both like. Like nyo ba pareho na mag-malling while HHWW, ang mamasyal sa Luneta, ang kumain ng halo-halo? Pareho nyo din bang like manood ng xtube este ng youtube? Basta kailangan meron kayong similarities sa mga likes nyo. This is the same reason kung bakit di nag work-out ang relationship namen ni Matthew Mcconaughey, dahil type nya na laging naka topless, ako ang type ko yung shortless!
4. Na-view na ba sya ng family mo? NOTE: Family not friends! Mga day, itong number 4 ay para lamang sa mga legal nang makipag-date! Hindi yung patago! Ligwak kayo! Naku madaming violent reaction dito pero sa aken mga day, kailangan muna ma-view ng mommy sharon at daddy gabby ko (si KC ako eh) ang future bf ko! Why? Come on now and this may sound like a cliche' but really, PARENTS know best! So may I value ko ang mga inputs nila!
5. Na-introduce na ba kayo sa mga friendship? Hay naku mga day! Importante ito! Trust me, madami akong alam na potential relationships na naudlot dahil sa mga objections ng friendships. I know, i know sasabihin nyo: "Eh baket, mga friends nya ba ang pakikisamahan ko?" I'll tell you the answer: YES! Admit it or not, i-factor in nyo ang mga friends mga day. Syempre sa umpisa lang naman. Aba eh kung sa tingin nyo ay talagang mahal nyo ba ga eh mega suyo muna sa friends. Like ipag-igib nyo ng tubig, ipagluto nyo, ipag-sibak ng panggatong, hiluran nyo ang mga friend nya! In short, build a rapport with his/her friends! Ok?
6. Warning: Adult Contents! Ayan ha, may warning ako mga kapanalig ha! Musta naman ang sexcapades nyo? Mga day, Importante din ito! Kung sa umpisa pa lang eh mejo di nyo na type ang kalaguyo nyo eh mega dump na agad! Yung mga pa-demure epek jan, please lang don't give me this bullshit: "Hindi lang naman sex ang importante eh!" Sa huli day, you'll end up looking for something better! And of course you are right, hindi lang ito ang importante but don't scratch it out of your list of considerations.
7. Ultimately, you should ask yourself kung alam mo ba ang commitment, loyalty, trust associated with I LOVE YOU. Pag alam mo and ready ka, i say: GO FOR IT GIRLS and BOYS!!!
Ito ay mga suggestions at puntos lamang po na isinulat at nagmula sa mamahaling table and chair ko...hahahaha... Sabi nga nila: "Different strokes for different folks..."
Hugs,
Morrise
Tuesday, February 19, 2008
From the Expensive Table and Chair of Yours Truly... When to Say: "I LOVE YOU!"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments, CLICK TO POST COMMENT:
Post a Comment